Kahit Sa Huling Saglit
By Admin
PANIMULA
Sa gitna ng malakas na pagbuhos ng ulan, binabaybay ni Vangie ang daan patungo sa lugar ng kanyang pinakamamahal. Tumawag kasi sa kanya ito at sinasabing maghihintay siya sa may simbahan. Mahalaga ang kanilang pag-uusapan. Merong lihim na dapat syang malaman. Mabilis ang kanyang lakad at hindi na niya napapansin ang lamig ng kapaligiran. Basang basa ang buo niyang katawan ngunit tila hindi sya nakakaramdam ng panginginig dulot ng malakas na pag-ihip ng hangin. Ang kanyang isipan ay binabalot ng kanyang kasabikang makita si Richard at sabihin niyang mahal na mahal nya ito.
Kanina ko pa napapansin na panay ang tingin sa iyo ng lalaking iyan. Mukhang malakas ang tama sa iyo ah! nakangiting wika ni Nicole sa kaibigan. Nasa isang karinderya sila noon at kumakain ng pananghalian. Suki na sila doon dahil mula nang magsimula ang eskwela ilang linggo na ang nakalililpas ay doon na sila laging kumakain. Masarap kasi ang luto ni Aling Flor at mabait rin ito sa kanila. Sa tapat lang iyon ng eskwelahan nila.
Grabe ka naman. Ibig sabihin, kanina mo pa rin sya tinitingnan? tanong ni Vangie sa kaibigan sabay subo ng isang kutsarang kanin.
Oo naman. Ang gwapo kaya. Hay naku, sana ako na lang ang tinitingnan nya. Sagot naman ni Nicole at tila kinikilig pa.
Pwede ba? Mag-concentrate ka na lang sa pagkain mo para naman mabusog ka at pupunta pa tayo sa library.
Hmp! KJ naman nito. If I know, kinikilig rin ang loka.
Naku, para tinignan lang, kikiligin na ako? No way!
Matapos kumain ay tumayo na sila upang tumungo sa library. Tutulungan kasi ni Vangie ang kaibigan na mag-research para sa kanyang report. Hindi pa sila nakakalayo ay may narinig silang tinig mula sa kanilang likuran.
Sarado pa ang library ngayon. Sabay na lumingon ang magkaibigan. Ang lalaking nakatingin sa kanila kanina, ngayon ay nasa likuran nila.
At paano mo naman nalaman na sa library kami pupunta? tanong ni Vangie. Walang reaksyon ang kanyang mukha.
Narinig kong pinag-uusapan nyo kanina bago kayo pumasok sa karinderya. Ngumiti ito sa kanila. Lumabas ang mga biloy nito at ang magandang ngipin. Tila kumikinang ang mga mata nito. Matikas ang pangangatawan at bagay na bagay ang suot nitong polo shirt na kulay puti. Na pinarisan ng maong pants. Simple ngunit litaw na litaw ang kagwapuhan ng lalaki.
Aba! Stalker. Hi! Im Nicole and this is Vangie. Nakangiting pagbati ni Nicole sa lalaki. Inabot nito ang kanyang kamay at malugod namang tinanggap iyon ng lalaki.
Richard. Richard Figueroa. Chad na lang for short. Akmang iaabot ng lalaki ang kanyang kamay kay Vangie ngunit tiningnan lang ito ng dalaga. Waring napahiyang ibinaba ni Chad ang kamay.
So, paano, tambay na lang muna tayo dun sa may garden? ani Nicole nang makitang napahiya ang lalaki.
Samahan ko na kayo. Tutal, wala naman din akong mapuntahan ngayon e. oks lang ba yun Vangie? sabay tingin ng lalaki sa dalaga. Tumingin si Vangie kay Nicole na tila nagtatanong. Ngumiti ito sa kanya bilang pahiwatig na alam ang kanyang sinasabi.
Well, Lets go! yaya ni Nicole at sumunod na sa kanya sina Vangie at Chad.
Naging maayos naman ang unang pagkikita ng bagong magkakaibigan. Noong una ay medyo nahihiya pa si Vangie at pawang si Nicole lamang ang nagsasalita, ngunit ng kalaunan ay nagkwento na rin ito. Kapwa sila masaya at palitan ng kung anu-anong jokes. Nagkakilala sila ng lubusan at nagpalitan sila ng cellphone numbers at hindi nila halos namalayan na tapos na ang lunch break at balik na muli sa eskwela.
Gie, type na type ko talaga si Chad. Kaso sa tingin ko, ikaw ang gusto eh. Bulong ni Nicole sa kaibigan. Nasa loob na sila ng classroom noon. Magkatabi kasi sila ng upuan. Ang kanilang guro ay nagsusulat sa board.
Ano ka ba? Mamaya na natin pag-usapan yan. Nasa loob tayo ng classroom sagot ng dalaga.
E, hindi ako mapalagay. Crush ko talaga sya. Muling bulong ni Nicole.
Pwede ba?..ok..ganito na lang wag kang mag-alala dahil hindi ko sya type. Kahit na manligaw pa sya, if ever, hindi ko sya sasagutin. Clear ba yun?
Talaga? Promise yan ha?
Nicole! malakas na tinig mula sa harapan ng classroom. At alam ni Nicole kung sino ang nagmamay-ari ng boses na iyon.
I believe you have something to tell us. Would you mind sharing it to all? matigas na tinig ni Mrs. Peña. Ang kanilang Algebra 101 teacher.
A..e..wala po maam may itinanong lang po ako kay Vangie. Tila napahiyang tinig ni Nicole. Tumingin sya sa kaibigan na nakita nyang nakatingin din sa kanya at tila naninisi ang reaksyon ng mukha.ngumiti lang sya rito at muling bumalik ang konsentrasyon sa guro.
Naging normal ang maghapon ng magkaibigan. Hindi na nila muling napag-usapan si Richard. Kampante na si Nicole sa paniniwalang hindi nga gusto ni Vangie si Richard. Hanggang sa pag-uwi ay magkasama ang dalawa. Sa sakayan ng dyip na lang sila naghiwalay dahil magkaiba sila ng direksyon ng uuwian.
Invite ko kayo sa Saturday. Dun sa house namin. Bday ko. Bungad ni Richard. Naroon silang muli sa Garden ng school. Nakagawian na nilang doon tumambay pagkatapos managhalian. Masarap kasi ang simoy ng hangin doon at marami rin ang magkaka-grupo ang gumagamit sa mga kubu-kubuhan na naroon.
Talaga? Happy Birthday! sagot ni Vangie.
Happy Birthday. Akalain mo, nagbi-birthday ka pa pala? nakangiting sabi ni Nicole.
Oo naman. At bilang regalo nyo sa akin, pupunta kayo sa amin. Ok ba yun?
Walang problema. Ani Nicole.
Check ko pa yung sched ko. Si Vangie.
“Gie naman, minsan lang naman to. Sige na pls? pagmamakaawa ni Nicole sa kaibigan.
Oo nga naman. Personal ko pa kayong inimbitahan ha? si Richard. Saglit na natigilan si Vangie. Nag-iisip. Ang dalawa naman ay nag-aabang sa kanyang sasabihin.
Hmp! Sige na nga. Pero hindi na ako magdadala ng regalo ha? nakangiting wika ni Vangie.
Ay ako rin. Makikikain lang ako. Hahahaâ si Nicole
No problem. Ang mahalaga ay ang presence nyo.
Wow! touched! Kadiri ka naman! Ang korni mo! ani Nicole at sabay-sabay na nagtawanan ang magkakaibigan.
Naging close na ang tatlo dahil sa araw-araw na pagsasama nila. Kung titingnan sila ay tila matagal na itong magkakakilala. Halos pare-pareho kasi sila ng hilig lalo na pagdating sa mga biruan.
Comments